Tayong Mga Chimi-aa

©April 2007

Note: ito’y isang napakahabang informal essay. May kwenta siya… sa tingin ko. Hindi ko na kayo pipiliting basahin ito pero sana kahit i-save niyo muna at basahin niyo ‘pag nahuli niyo ang sarili niyong inaantay ang pagtalon ng isang butiki na nakakapit sa kisame dahil wala na kayong ibang mapagkaabalahan. Nag-enjoy ako sa pagsusulat nito kaya sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa.

Noong ako’y nasa elementarya pa lamang, sabi sakin ni Sir Ely, yung teacher ko sa HEKASI na maluwang palagi ang pantalon, malaya na raw ang Pilipinas mula noong 1898. Sabi niya, 1521 daw nung dumaong sa isa sa mga isla ng ‘Pinas si Magellan na noong mga panahong ‘yun e nawiwindang na kasi feeling niya mahuhulog ang barko nila sa dulo ng mundo. Siyempre akala nila noon flat ang daigdig. Shongak.

Sabi naman ni Sir Cantong (hindi Canton) sakin, 1572 na noong nadulas at nabagok ang ulo ng hari ng Espanya at bigla na lang siya nakaisip ng paraan kung pa’no masakop ang ‘Pinas. May gold detector sila noon. ‘Yung ringtone nung detector e doncha.mp3 – ‘yung sa Pussycat dolls. E nung dumaong si Magellan dito, tumunog yung detector at napaindak sila Lapu-lapu (kaya napatay si Magellan). Ibig sabihin nun, maraming ginto dito sa bansa. Pero hindi pa naipapatayo ng mga Australyano ang kanilang mga gold and copper mining corporations noon kaya wala silang concept ng mining. Hindi tuloy mapakinabangan ng mga Kastila ang ginto, kaya ginawa nalang nila tayong mga muchacho at muchacha. Nagmukha tuloy tayong mga bastardo sa sarili nating lupa.

Pero matapos ang (fill in the blank – ang hindi makasagot may kulani sa pwet) _______ taon, hindi na nakayanan ng mga noypi ang pagtatawag sa kanila ng mga Kastila na indios. Hindi naman daw nila maafford ang sizzling sisig sa third floor ng Vega (isa pa, sarado na ‘yun) kaya nagsimula silang mag-alsa. Hindi naman sila mga tinapay na nilagyan ng yeast kaya noong una, hindi sila nagtagumpay. Ngunit dahil hindi na talaga ma-take ng mga Pinoy ang pang-aabuso, at pang-aalipin ng mga Kastila, lumaban sila hanggang kamatayan. At ‘yun na nga, malaya na tayo. Pero hindi pa happy ang ending.

Sumunod ang panlilinlang ng mga Amerikano sa atin. Dahil talagang kahinaan natin ang mga Caucasian, at ang mga magagaling mag-ingles, hindi nahirapan si Uncle Sam na paniwalain tayong tunay na matamis ang demokrasyang inihain nila sa atin. Samantalang hindi natin namamalayang unti-unti na tayong naging lap dogs ng mga ‘Kano. Mamili ka na lang kung gusto mo maging shitzu o terrier. Hindi lang tayo ginawang aso ng mga ‘Kano. Tinawag din nila tayong “savages” (wala silang originality kasi ‘yun din ang tawag ng mga Ingles sa lahi ni Pocahontas) at mga unggoy. Alam ko may mangilan-ngilan na mukhang unggoy sa atin pero hindi ako naniniwala sa evolution. Akala kasi nila bopols mga noypi.

Hindi pa man tayo nakatakas mula sa matalas na dila ng mga ‘Kano, lumusob naman ang mga sumo wrestlers sa bansa. Umepal sila. Hindi naman daw kasi sila masyadong napapansin noong mga panahon na ‘yun. Puro Pilipinas at Taiwan lang daw ang napapansin. Kaya nagpapansin sila sa mga ‘Kano na nandito sa ‘Pinas pagkatapos ay ipinalabas nila ang Hanayori Dango. Mas gwapo daw yung version nila kesa sa Meteor Garden. E napikon yung mga puti. Crush daw kasi nila si Jerry Yan. Kaya binomba nila ang Hiroshima at Nagasaki. Ayun, bumalik ang mga singkit sa lungga nila. Pero pinipilit parin nila ‘yung F4 nila.

Madami pang nangyari pakatapos nun pero hindi ko na iku-kwento. Ano ako, history book? Basta ang point, tapos na ang panahon ng Kastila, panahon ng mga Amerikano, at panahon ni Takeshi at Yankumi. In short, malaya na tayo.

Sisimulan ko na ang point ko.

Gusto ko lang naman kasing hukayin ang mga bangkay nina Lapu-lapu, Dagohoy, Rizal, Plaridel, Pareng Andres Atapang, Aguinaldo, Mabini, at ‘yung mga namatay sa death march para sabihin sa kanila na hindi na lang sana sila masyadong nag-exert ng effort sa pag-uukit ng kasaysayan. Bakit kamo? Kasi history repeats itself – it just assumes other forms (Ingles ‘yun!).

In other words, hindi pa tayo nakalalaya sa kuko ng pang-aalipin ng mga dayuhan.

Noon, ang mga dayuhan pa ang naglalakad ng mga birth certificate, passport photo, at VISA nila upang makapunta dito at maalila tayo. Pero ngayon, tayo na ang nagkakandaugagang maipasa ang organic chemistry, patho-physiology, board exam (na walang pandaraya) at kung anu anong language proficiency exams para lang makapunta sa ibang bansa upang magpaalila.

Wala namang masama sa pagpunta at pagtatrabaho sa ibang bansa. Ang masama lang, kung gagawin mo ‘yun kasi wala ka nang choice. In other words, alila. Walang choice.

Marahil nga kapalaran na ng mga noypi na maging alipin ng mga dayuhan. Marahil tayo ay naisilang sa isang lahi ng mga alipin. Para tayong mga Levites. Pero hindi tayo lahi ng mga pari; tayo ay lahi ng mga chimi-aa.

Marami sa atin ang natanggap na ang kapalarang ito ng mga Pilipino. Ngunit kung pag-iisipan nating mabuti, bago dumating ang mga Kastila, tayo ay namumuhay ng normal – malayo sa kamao ng mga dayuhan. Sabagay ang tagal na panahon na noon. Ni sa panaginip hindi na natin masisilayan pa ang mga panahon na tunay tayong malaya. Pero sabi nga nila, hindi pa tapos ang aklat – ang aklat ng lahing Pilipino.

Naniniwala ako na isang araw, magkakaroon tayo ng choice. Hindi nga ba’t history repeats itself? Sana mapavulcanize na ang matagal nang  flat na gulong ng kapalaran para makaikot na ito at bumalik tayo sa mga panahon ng mga maharlika, mga dugong bughaw at mga datu. Sana matutunan nating mangarap para sa ating bayan. Sana mawala na ang mindset na ayos lang matawag na alipin basta may dolyar. At sana, pagbuklat ng susunod na henerasyon ng mga textbook nila sa HEKASI at Social Studies, mababasa nila roon na tunay na ngang malaya ang Pilipinas.

Nosebleed. Pengeng tisyu.

Advertisements

One response to “Tayong Mga Chimi-aa

  1. Pingback: Kalayaan | The Quarter Mile·

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s